Nagpaalala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipino abroad na nabiktima ng anomang panga-abuso o illegal recruitment scheme na agad makipag-ugnayan sa mga Migrant offices ng Pilipinas.
Ayon kay DMW Usec. Darlene Pajarito, nakakalat na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang tanggapan ng pamahalaan, upang alalayan ang mga Pilipinong nakaranas ng contract violation o naging biktima ng panloloko.
“Hindi lang nga lahat ng bansa na where we have OFWs pero marami na ring bansa na where we have Migrant Workers Office – so, puwede silang pumunta doon, puwede silang mag-reach out doon at tutulungan din sila ng kaso.” -Pajarito.
Sabi ng opisyal, ang Migrant Workers Office ng Pilipinas, kumukuha ng mga local lawyer na tutulong sa mga kaso ng mga OFW.
Sa mga bansa naman na walang Migrant Workers Office, maaaring dumulog ang mga Pilipino sa Philippine Embassy o konsulada, at agad naman silang tutulungan ng pinakamalapit na Migrant Workers Office.
“Like for example in Myanmar, DMW does not have a Migrant Workers Office in Myanmar but mayroon tayong Philippine Embassy doon. So, puwede silang pumunta sa Embassy and the nearest office that will we reach out and help them would be the Migrant Workers Office in Bangkok who can assist them in their cases.” -Pajarito.
Para sa mga OFW naman na hindi makalabas o ikunulong ng employer, ang pamahalaan, agad na nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng bansa kung nasaan ang OFW.
“Marami na rin po. So what we do is we work government with the government, kasi there are complaints or sometimes, we receive complaints if not directly from the victims, usually from the families.” -Pajarito.
Mayroong mga pagkakataon aniya na kung hindi sa OFW magmumula ang reklamo, ang pamilya ng mga ito ang dumudulog sa kanilang tanggapan, at agad na tinutugunan ng pamahalaan.
“Iyong family ang nagri-reach out na humihingi ng tulong. So we reach out to our embassies or our Migrant Workers Office in that country and then we coordinate with the government para ma-rescue sila kapag naka-receive tayo ng mga SOS, mga distress calls like that for rescue.” -Pajarito. | ulat ni Racquel Bayan