Bukas at malaya nang magagamit ng Information Technology o IT community ng Pilipinas ang eGovAI para mag-integrate sa iba’t ibang gamit nito para makagawa ng iba pang AI at bot assistants.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology o DICT Undersecretary David Almirol Jr., isa itong malaking advancement dahil mas lalawak na rin ang mga serbisyo ng pamahalaan sa tulong ng AI.
Tampok sa eGovAI ang isang built-in assistant na tinatawag na “Kuya A” para magbigay ng real-time support sa mga user sa pag-access ng online public services.
Libre itong magagamit ng lahat ng verified eGovPH users at may mga tool para sa document extraction, image identification, translation, form understanding, speech generation, at tourism-related information.
Positibo rin ang DICT na sa tulong ng eGovAI ay lalo pang magiging malapit ang publiko sa mga serbisyo at programang hatid ng pamahalaan.