Positibo ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na magpapatuloy ang magandang progreso sa isinasagawa nilang audit sa resulta ng botohan sa BARMM Parliamentary Elections.
Ayon kay PPCRV Spokesperson Ana De Villa-Singson, nitong Lunes ay pumalo na sa 2,090 o 40 percent ng 5,212 na polling precincts ang naisalang na sa scanning at naberipika ng PPCRV.
Habang ang transmission naman ng electronic votes ay nasa 99.31% na.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang anomang discrepancies ang PPCRV sa transmitted at scanned copies ng PPCRV na sana ay magtuloy-tuloy na upang walang maitalang iregularidad.
Binabantayan na rin ngayon ng PPCRV ang pagdami ng mga QR transmissions na “not readable” na hindi rin maisasalang sa audit ng PPCRV.