Tinututukan na ngayon ng pamunuan ng Department of Health (DOH) ang sistemang ginagamit ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP program upang matiyak na totoong mga indigent at financially incapacitated individuals ang makikinabang dito.
Sa panayam ng PTV kay DOH Assistant Secretary for Hospital Systems Cluster Dr. Tagumpay Maniquis sinabi nitong rules-based na ang ipatutupad nila sa MAIFIP upang masalang mabuti ang mga pasyenteng totoong dapat makinabang sa programa at maiwasang maabuso ito.
Isa rin itong paraan upang maipakita na gumagana ang class efficiency system ng mga ospital bagay na dapat ring matutukan.
Pagdating naman sa target na bilang ng maaabot ng MAIFIP, giit ni Maniquis na wala silang itinatakdag target bagkus ay nais pa nilang mas maitaas sa higit walong milyong pasyente ang matutulungan sa ilalim ng MAIFIP program.