Tinatayang aabot sa 6.47 milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ng 2026.
Batay yan sa standing crop noong October 1 na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, mas mababa ito ng 5.5% kumpara sa aktwal na produksyon na 6.85 milyong metriko tonelada sa kaparehong panahon noong 2025.
Samantala, naitala naman ang produksyon ng palay mula Hulyo hanggang Setyembre sa 3.08 milyong metriko tonelada, na mas mababa kumpara sa 3.75 milyong metriko tonelada noong kaparehong panahon ng 2025.
Nanguna sa produksyon ang Cagayan Valley na sinundan ng SOCCSKSARGEN at BARMM.