Binigyang-diin ni Department of National Defense o DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng pagpapanatiling bukas ng lahat ng sea lanes of communications (SLOCs) upang matiyak ang pinakamabilis na paghahatid ng tulong sa panahon ng mga kalamidad.
Ayon sa kalihim, mahalagang manatiling accessible ang mga SLOC dahil paiba-iba at lalong lumalala ang mga kalamidad sa kasalukuyan.
Dagdag pa niya, ang malayang paglalayag sa mga rutang ito ay susi upang makabuo ng isang maunlad, matatag, at matibay na rehiyon ng ASEAN at Indo-Pacific.
Mahalaga ring maigiit sa inisyatibang ito ang pag-iral ng Maritime International Law at rules-based order.