Umabot na sa ₱24.1 milyon ang tulong-pinansyal na naipagkaloob ng Department of Social Welfare andnDevelopment (DSWD) sa Bicol Region sa gitna ng mataas na kaso ng Dengue sa rehiyon.
Ayon sa DSWD, katumbas na ito ng nasa 2,539 indibidwal ang nabigyan ng assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), sa pamamagitan ng Crisis Intervention Section Satellite Offices at Malasakit Centers.
Patuloy namang nakaantabay ang DSWD Field Office 5 para sa karagdagang pangangailangan ng mga pasyente at kanilang pamilya, kasunod ng Dengue outbreak sa rehiyon.