Walang pasok sa November 16 hanggang 18 sa National Capital Region o Kalakhang Maynila.
Sa bisa na din ito ng inilabas ng Malacañang na Proclamation 1447 na nagdedeklara na Special Non-Working Days sa nabanggit na mga petsa at ito’y kaugnay ng isasagawang 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Metro Manila.
Layunin ng hakbang na makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko at matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga participating delegates at iba pang lalahok sa Summit.
Ilan sa mga pagpupulong na gagawin sa ASEAN-related meetings ang 16th ASEAN Maritime Forum sa November 17 at ang 14th Expanded ASEAN Maritime Forum na gagawin naman sa November 18.
Papatak ng araw ng Lunes hanggang Miyerkules ang November 16 hanggang November 18, 2026.
Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto nitong nakaraang September 17.