Mas maraming sakahan ang target na mapatatubigan sa 2027, matapos ilaan ng pamahalaan ang 30.44 bilyong piso para sa Irrigation Services Program ng National Irrigation Administration o NIA.
Batay sa panukalang 2027 National Expenditure Program, target ng NIA na magkaroon ng bagong irrigation service areas na aabot sa 11,153 ektarya sa buong bansa.
Mas mataas ito ng 29.4 porsiyento, o dagdag na 2,533 ektarya, kumpara sa 8,620 ektaryang target ngayong 2026.
Sinabi ni DBM Acting Secretary Kim Robert C. De Leon na pinag-aaralan din ng pamahalaan ang iba’t ibang irrigation projects, kabilang ang posibilidad ng solar irrigation para sa NIA.
Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalakasin ng NIA ang mga irrigation system upang mapataas ang produksyon sa agrikultura at masuportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka. Bahagi ito ng mas malawak na programa ng pamahalaan para sa food security, mas mataas na farm productivity, at mas matatag na suplay ng pagkain sa bansa.
