Nagpaabot ng pasasalamat ang Eastern Police District (EPD) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kaloob nitong motorsiklo upang patatagin ang kanilang kakayahan at kapabilidad sa pagtugon sa ilalim ng 911 emergency hotline.
Ayon kay EPD Director, PBGen. Roman Arugay, mahalaga ang bawat segundo sa isang emergency kaya’t malaking tulong aniya ang mga bagong kagamitan para sa kanilang pagtugon.
Magsisilbi aniyang karagdgan ang mga naturang motorsiklo sa kanilang patrol vehicles at mapatatatag din nito ang presensya nila sa mga matataong lugar gayundin sa mga komunidad
Nitong Miyerkules (September 23), pinangunahan ni DILG Sec. Jonvic Remulla at National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-In-Charge, PBGen. Christopher Abrahano ang pamamahagi ng nasa 73 motorcycle units
10 rito ng unang mapupunta sa Pasig City habang inaasahang mababahaginan ang iba pang police units gaya ng sa Marikina, San Juan at Mandaluyong.