Mahigpit nang binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga grocery, supermarkets at ilan pang pamilihan bunsod pa rin ng pagsipa ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay Trade Secretary Ma. Cristina Roque sinabi nitong inatasan na nila ang lahat ng kanilang tanggapan umang paigtingin ang monitoring at matiyak na lahat ng prime commodities ay hindi basta-basta nagtataas ng presyo.
Nilinaw din ni Roque na hindi pa naman nangangailangan na magpatupad ng price cap sa mga bilihin dahil “manageable” pa naman ang sitwasyon.
Nagbabala rin ang DTI sa mga negosyante, manufacturers at store owners na mananamantala at magsisimula ng artipisyal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na haharap sila sa karampatang parusa at pagbabayarin ng multa oras na sila ay mahuli.