Nakahanda ang Commission on Elections (COMELEC) sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuspinde ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay COMELEC Spokesperson, Director John Rex Laudiangco, sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, may apat na senaryo na silang nakahanda sa ano mang kalalabasan ng desisyon ng Pangulong Marcos Jr.
Isa sa apat na ito ang agarang pagsuspinde ng paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa BSKE sa September 28 sakaling desisyunan ni Pangulong Marcos Jr. ang suspensyon.
Nitong Biyernes, September 25, 2026, inanunsyo ni Presidential Communication Office Undersecretary Claire Castro ang desisyun ng pangulo na suspendihin ang nasabing eleksyon hanggang Nobiyembre ng 2026.