Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 6,455 na pamilya o higit sa 22,000 indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dala ng Super Typhoon Rosal.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Cagayan Valley at Bicol region.
Mula rin sa mga apektado, mayroon nang 14 pamilya ang inilikas sa evacuation centers.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na nakatutok na ito sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, nakapaghatid na ito ng inisyal na PhP45,000 ayuda at mayroon pang kabuuang PhP4.6 bilyon ang hawak na relief resources ng ahensya kabilang ang stockpile ng food at nonfood items pati na standby funds.