Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi nito basta-basta makokontrol ang pag-import ng baboy na nakakaapekto ngayon sa hog industry ng bansa.
Sinimulan kahapon ng hog traders ang tatlong araw na pig holiday o pansamantalang pagsuspinde sa pagbebenta ng baboy bilang protesta sa pork imports.
Sinasabing nasa ₱350 million kada araw o ₱7,000 kada ulo ng baboy ang nalulugi ng industriya dahil sa pagdating ng frozen pork mula sa ibang bansa.
Naiitindihan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang sentimiyento ng hog traders, subalit hindi aniya basta na lang ipapatigil o lilimitahan ang pag-aangkat dahil may kasunduan ang bansa sa World Trade Organization at may iba pang bilateral agreements na ipinatupad bago pa siya naupo bilang kahilim.
Una nang nakausap ng DA ang Tariff Commission para ibalik ang taripa sa baboy at pinag-aaralan din ng ahensya ang dalawang buwan na pagsuspinde sa hog imports simula sa Nobyembre.