Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pagpapatuloy ng mga hakbang para palakasin ang depensa at seguridad ng bansa.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Teodoro na dapat nakabatay sa ebidensiya ang operasyon ng intelligence at law enforcement agencies laban sa mga ilegal na aktibidad.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paghahanda ng publiko at pagpapatatag ng national resilience sa harap ng mga bagong banta.
Kabilang dito ang pag-angkop sa mabilis na pagbabago ng military technology at pag-unlad ng autonomous warfare.
Nagbabala si Teodoro na maaaring makaapekto sa seguridad at ekonomiya ng bansa ang pagbabago sa kasalukuyang defense at foreign policy direction.
Dahil dito, iginiit niya ang tuloy-tuloy na pagpaplano at paghahanda para mapanatili ang kakayahan ng Pilipinas na harapin ang mga bagong banta.