Hinimok ni Senator Kiko Pangilinan ang ehekutibo na pag-isipan ang pagdedeklara ng national state of calamity dahil sa banta ng Very Strong El Niño sa suplay ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Sa pagdinig sa panukalang 2027 budget ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Pangilinan na limang rehiyon na ang apektado ng El Niño, batay sa datos ng DA kaya kailangan ng dagdag na suporta at pondo para matugunan ang epekto ng matinding tagtuyot.
Sinuportahan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panawagan ng senador.
Ayon sa DA, posibleng umabot sa 700,000 metroc tons ang mawawalang produksyon ng bigas sa ikalawang bahagi ng 2027.
Dahil dito, isinusulong ni Pangilinan ang pag-apruba sa panukalang 171.3-bilyong pisong budget ng DA para sa 2027, na aniya ay dapat magbigay-prayoridad sa mga proyektong patubig.
Layunin nitong matiyak na makapagpatuloy sa pagtatanim at pangingisda ang mga magsasaka at mangingisda, mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain at manatiling abot-kaya ang mga bilihin para sa mga pamilyang Pilipino. | ulat ni Nimfa Asuncion