Nagpaabot ng pasasalamat si Mary Jane Veloso matapos siyang makalaya at makasama muli ang kanyang pamilya.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Veloso na hindi siya nawalan ng pag-asa sa kabila ng ilang taong pagkakakulong at pangambang maharap sa parusang kamatayan.
Ayon sa kanya, malaking biyaya ang pagkakataong makauwi at makasama ang kanyang mga magulang, kapatid at mga anak.
Nagpasalamat din siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa absolute pardon, gayundin sa mga indibidwal at grupong patuloy na sumuporta sa kanyang kaso.
Hinimok ni Veloso ang iba pang nakakaranas ng mabibigat na pagsubok na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na maniwala na may tutulong sa kanila. Sinabi rin niyang nais niyang gamitin ang kanyang karanasan bilang inspirasyon sa iba na manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok