Itinutulak ng Department of Agriculture at hog industry ang mas mataas na taripa sa pork imports para mapataas ang farmgate prices.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., napag-usapan na nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbabalik ng dating taripa.
Sa 2027, iminungkahi ng DA ang 25 percent in-quota at 35 percent out-quota tariff, mula sa kasalukuyang 15 at 25 percent.
Sa 2028, plano namang ibalik ang taripa sa 30 percent in-quota at 40 percent out-quota.
Ayon sa DA, tumaas ng anim na porsyento ang local hog production, pero bumagsak ang farmgate price sa ₱150 kada kilo noong Agosto.
Iminungkahi rin ng industriya ang quantitative restrictions at mas mahigpit na pagsusuri sa imported pork para maprotektahan ang local hog raisers.