Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Information and Communication Technology sa ulat ng posibleng data exposure na kinasasangkutan ng isang DICT Trusted Assessment Provider (DTAP).
Pinangungunahan ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) ang imbestigasyon.
Batay sa paunang impormasyon, nasa 410 files mula sa 48 kumpanyang kalahok sa DTAP accreditation program ang maaaring na-expose.
Tinatayang 600 megabytes ang datos, kabilang ang corporate records, permits, certifications, employment documents at iba pang impormasyon.
Patuloy na bine-verify ng DICT ang pinagmulan at lawak ng posibleng data exposure.
Kung makumpirmang may personal o protected data na nakompromiso, magsasagawa ang DICT ng kaukulang hakbang alinsunod sa Data Privacy Act. Nanawagan ang DICT sa publiko at media na mag-ingat sa pagbabahagi ng hindi pa beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.