Mahigit isang milyong indibidwal ang apektado na ng red-striped soft scale insect (RSSI) infestation sa Visayas.
Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong October 20, umabot sa isang 1,083,101 katao mula sa 279,674 na pamilya ang apektado sa Western Visayas at Negros Island Region.
Naitala ang infestation sa 1,474 na barangay mula nang magsimula ito noong June 1.
Umabot naman sa ₱591.1 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng DSWD.
Mayroon pang mahigit ₱4.48 bilyong halaga ng relief resources ang ahensya, kabilang ang pondo para sa agarang pagtugon at mga pagkain at iba pang relief goods.