Hindi na napigilang magalit ni Departmet of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon matapos matuklasang ilang parte ng genset ng pumping station sa Diokno Boulevard ang ninakaw. Papalo sa ₱180,000 ang halaga ng mga parte ng genset na ninakaw ng mga kawatan.
Agad naman nang rumesponde ang Pasay City police kung saan agad nahuli ang tatlong suspek sa pagnanakaw kung saan dalawa rito ay empleyado ng contractor ng Diokno Pumping Station.
Agad na rin namang naisaayos ang genset kaya tiyak na gagana ito at makatutugon kasunod ng pagtama ng masamang panahon.
Muling iginiit ni Dizon, na hindi lang perwisyo sa pamahalaan ang dinudulot ng mga akto ng pagnanakaw kundi may kakambal din itong masamang epekto sa komunidad oras na hindi gumana ang mga pumping station.