Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga Emergency Loan borrower noong Marso na hanggang November 30 ang deadline ng bayad para sa Oktubre.
Nagsimula ang amortization ngayong buwan matapos ang anim na buwang moratorium.
Pinapayuhan ang mga miyembro na tingnan ang kanilang My.SSS account para sa halaga ng buwanang hulog at takdang petsa ng pagbabayad.
Para sa mga empleyado, kailangang ipaalam sa kanilang employer ang pagsisimula ng pagbabayad upang matiyak ang tamang kaltas at remittance.
Samantala, kailangang kumuha ng Payment Reference Number (PRN) ang mga self-employed, voluntary, at OFW members bago magbayad sa mga awtorisadong payment channel ng SSS.