Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang proteksiyon sa maritime resources ng bansa.
Kasabay nito ang panawagan na suportahan ang mga coastal community na apektado ng sitwasyon sa West Philippine Sea.
Ginawa ang panawagan bilang bahagi ng 2026 Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Lilian De Leon, mahalaga ang papel ng LGUs sa pangangalaga sa karagatan at likas-yaman.
Ibinahagi naman ni Masinloc Mayor Hazel Lim ang epekto ng WPS situation sa mga lokal na mangingisda.
Aniya, may mga bangkang hindi na makapangisda dahil hindi na makalapit sa mga bahura.
Binigyang-diin ng National Maritime Council na apektado rin ng WPS issue ang kabuhayan at food security ng mga Pilipino.