Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kagyat na tumutok ang DMW katuwang ang Consulate General sa Frankfurt sa napaulat na nasawi at nasaktan na mga Pilipino sanhi ng nangyaring aksidente ng isang pampasaherong bus sa A96 Freeway sa Germany.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, sinabi nito na patungo na sa Germany si OWWA Administrator PY Caunan mula sa Croatia samantalang patungo na din si Usec. Jun Rasul na manggagaling sa Belgium upang personal na asikasuhin ang pangangailangan ng mga Pilipinong nasaktan at ma-uwi ang labi ng mga nasawi sanhi ng aksidente.
Dagdag pa ni Secretary Cacdac lulan ng na aksidenteng Bus ang 40 Pilipino na kinabibilangan ng mga OFWS at dating OFWs mula sa Italy upang mag tour sa Germany.
Ayon pa sa kalihim ng DMW, dalawang Pilipino ang kumpirmadong nasawi samantalang walo ang nasa kritikal na kondisyon.