Inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto na may mga OFW na katulad ni Mary Jane Veloso ay patuloy na tinutulungan ng pamahalaan.
Ito ayon kay Recto ay ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers na nalinlang, naging biktima ng trafficking at naipit sa mga lugar na malayo sa kanilang tahanan.
Kung may naituro mang aral ang pinagdaanang hirap ni Mary Jane Veloso, ito sabi ni Recto ay ang patuloy na pagganap sa tungkuling maprotektahan ang mga OFW ng gobyerno sa kabila ng pagbabago ng mga administrasyon.
Dagdag ng Kalihim na hindi man maibabalik kung anong nawala kay Mary Jane sa nakalipas na 16 na taon ay maaari namang maipagkaloob kay Veloso kung anoman ang nakaabang sa hinaharap.