Kakailanganin nang gamitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng strong political will ang mga social media platforms na hindi tumutulong sa pamahalaan sa gitna ng mga karahasang mga nagaganap sa paaralan.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, maaaring maapektuhan ang iilan dahil sa gagawing paghihigpit ng pamahalaan partikular sa pag-ban ng ilang mga apps.
Pagbibigay diin ni Castro, hindi na ordinaryong krimen ang nagaganap na kung saan ay mga kabataang inosente ang nabibiktima ng mga groomers at nauudyukang gumawa ng karahasan.
Dagdag ni Usec. Castro na sa ginawang pakikipagpulong ng Pangulo para sa school safety and security ay napagkasunduang pakilusin na din ang barangay officials