Deklaradong half day ang pasok sa mga government offices para sa araw na ito, September 28.
Base na rin ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 136 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto noong Setyembre 16, 2026 na may kaugnayan sa 34th National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day.
Saklaw ng half day work declaration ang mga ahensiya na nasa executive branch, GOCCs at state universities and colleges. Ala una ang opisyal na suspensiyon ng trabaho sa pamahalaan ngayong araw subalit hindi kasama dito ang mga ahensiyang nasa linya ng paghahatid ng health services, disaster preparedness and response at iba pang vital services.
Ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Lunes ng Setyembre alinsunod sa Proclamation No. 326, seriea of 2012.