Pinalawak nitong nagdaang kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Zero Balance Billing na umabot sa may 132 mga ospital.
Ito ang ibinalita ng Punong Ehekutibo sa kanyang pinakahuling vlog kung saan ay ipinatupad ang libre o wala ng babayarang hospital bill sa nabanggit na bilang ng mga ospital na nasa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sabi ng Pangulo, nilahat na nila ang libreng bayad.
Basta’t, nasa nasabing bilang ng pagamutan ay wala na aniyang problema sa kanilang bayarin na kung saan, ang iba ay umabot pa sa milyon ang kailangang bayaran.
Karaniwan aniyang saklaw o coverage ng programa ay ward patients lang subalit pinalawak nila ito nitong kanyang nakaraang 69th birthday.