Iba pang tulong sa transport sector, tinitingnan ng LTFRB
Patuloy na naghahanap ng ibang paraan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para tulungan ang transport sector na apektado ng Middle East crisis.
Sa programang BANGON, BAYANG MAHAL, sinabi ni LTFRB Acting Chair Atty. Greg Pua, Jr. na batid nila ang hinaing ng sektor sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Aniya, patuloy na dinidinig ang mga panawagan ng transport sector habang naghahanap ng iba pang paraan para masuportahan sila.