Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng El Niño.
Sa pinakahuling tala ng ahensya, umabot na sa ₱21.09 milyon ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance para sa mga apektado ng El Niño.
Kabilang dito ang Cagayan Valley region, MIMAROPA, at Bicol Region.
Sa CARAGA naman, namahagi ang DSWD Field Office ng 7,780 bote ng 10-litro na inuming tubig bilang augmentation support sa mga pamilyang apektado ng matinding init at kakulangan sa tubig.
Habang sa Libjo, Dinagat Islands, 6,200 Family Food Packs o FFPs naman ang naipamahagi ng DSWD Caraga sa mga pamilyang nangangailangan ng agarang food assistance dahil sa El Niño.
📸 DSWD


