Pinalagan ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon ang paratang ni Vice President Sara Duterte na isang “sarswela” lamang ang kinakaharap nitong paglilitis sa Senado.
Giit ni Ridon, seryosong usapin ng pananagutan sa publiko ang dinidinig na impeachment case at hindi ito isang uri ng palabas o laro.
Matatandaang nauna nang kinuwestiyon ni Duterte ang kredibilidad ng paglilitis, kung saan iginiit nitong kontrolado umano ng Malacañang ang mga senador-judge.
Ipinauubaya na aniya nila sa Senate Impeachment court ang magiging action laban sa mga pahayag ng bise presidente na kumukwestiyon sa korte.