Naniniwala ang House prosecution na maaaring ikonsidera sa ‘unexplained wealth’ ang isiniwalat ng dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco
Ginawa ni Prosecution Adviser at Spokesperson Ace Barbers ang pahayag matapos lumantad sa publiko ni dating Police Officer Rodulfo Gracioso Jr. at ibinunyag na naghatid umano siya ng bilyong pera kay VP Sara Duterte.
Ayon kay Barbers, maaaring magamit itong ebidensya kung mapagtitibay ng NBI ang mga isinawalat ng dating aide ni Velasco.
Ayon naman kay House Prosecutor Joel Chua, kailangang maging maingat at idaan sa masusing validation at authentication ang affidavit ni Gracioso.
Aniya, masyadong mabigat ang mga akusasyon at kailangan ng masusing pag-aaral bago ito gamitin para sa pagpapatunay ng alegasyon ng unexplained wealth.