Target ng Department of Health na isama ang 1,747 hospitals sa ilalim ng electronic medical assistance to indigent and financially incapacitated patients o eMAIFIP program.
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, 145 na ospital lang kasi ang kasalukuyang kabilang sa eMAIFIP, na makikita sa eGovPHapp.
Inaasahang madadagdagan pa ang mga lalahok na ospital para matiyak ang mas mabilis na pagproseso sa mga claim.
Siniguro ng kalihim na may nakahandang tulong sa pamamagitan ng MAIFIP program at asahan aniya ang mas mabilis at less hassle na pag-asikaso ng application ng financial assistance sa pamamagitan ng eMAIFIP.