Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 25-taong-gulang na driver ng pedicab na residente ng Taguig City.
Ito ay matapos itong masangkot sa magkakasunod na kaso ng akyat-bahay sa Makati City.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co, kabilang dito insidente ang naganap noong September 24 sa isang eksklusibong village, kung saan nagnakaw umano ang suspek mula sa isang 76-taong gulang na residente.
Sa tulong ng CCTV footage, nakilala ng mga imbestigador ang suspek.
Umabot sa P90,000 ang halaga ng mga bagay na nakuha sa biktima, kabilang dito ang mga alahas na nagkakahalagang P40,000, at P50,000 naman ang nakaw na salapi.
Dagdag pa ni Co, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang pulisya sa kumpanyang nangangasiwa ng seguridad sa village, upang palakasin ang patrol at seguridad bilang pag-iwas sa mga susunod pang insidente.