Bahagyang tumaas ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa paligid ng island features ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Batay sa monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nasa 42 na mga barko ng China ang kanilang na-monitor sa WPS mula September 22-28.
Mas mataas ito ng pito kumpara sa 35 barko ng China na namataan ng AFP noong isang linggo.
Gayunman, nananatiling mataas ang konsentrasyon ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc kung saan, 14 dito ay pawang mga barko ng China Coast Guard (CCG) at walo naman mula sa People’s Liberation Army – Navy (PLA-N) vessel.
Sinundan naman ito ng Ayungin Shoal, Escoda Shoal, gayundin sa Pag-asa Island.