Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Paiigtingin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at World Food Programme (WFP) ang mga hakbang para mapalakas ang paghahanda at pagtugon sa tagtuyot na dulot ng El Niño.
Tinalakay ito sa isinagawang high-level discussion noong September 29 sa DSWD Central Office, kung saan pinag-usapan ang mga posibleng pagtutulungan at technical assistance ng WFP para mapalakas ang adaptive at shock-responsive programs ng DSWD.
Pinangunahan ni WFP Deputy Country Director Regis Chapman ang delegasyon ng WFP, kasama ang mga opisyal at management representatives mula sa iba’t ibang tanggapan ng DSWD.
Kabilang sa mga tinalakay ang anticipatory action, early response at mga intervention para matulungan ang mga komunidad na makapaghanda at makatugon sa epekto ng El Niño-induced drought.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng patuloy na koordinasyon sa WFP para mapalakas ang disaster preparedness at mas maagang pagtugon sa mga panganib na dulot ng tagtuyot.