Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Pinakilos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng regional offices nito na alalayan ang PUV operators at drivers na makakuha ng fare guides upang maipatupad sa buong bansa ang aprubadong taas-pasahe.
Kasunod ito ng mga ulat na may ilang driver na nag-aatubiling maningil ng dagdag na pamasahe dahil wala pang matrix.
Ayon kay acting LTFRB Chair Greg Pua Jr., hindi pa naman kailangan sa kasalukuyan ang fare matrix para ipatupad ang dagdag pasahe. Ang kailangan, aniya, ay fare guide na mabilis na mada-download mula sa LTFRB website.
Valid ang temporary fare guide hanggang December 31, 2026.
Simula naman January 1, 2027 ay required ang PUV operators na makakuha at maglagay ng official fare guide o matrix na ilalabas ng LTFRB.