Iginiit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na isa lang naman ang makikinabang sa pagkalat ng peke umanong sulat ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa isang “Peter Enzminger”.
Aniya, tanging China lang ang makikinabang ora na masira na ang pangalan at tiwala ng mga Pilipino kay Defense Sec. Teodoro.
Isa sa mga nakikita niyang motibo sa likod ng pekeng sulat ay upang pag-awayin at pagsabungin ang mga Pilipino.
Kasama na nga rito ang tuluyang pagkasira ng tiwala ng publiko sa mga tagapagtaguyod ng soberanya ng bansa kung saan kabilang si Teodoro.
Panawagan pa ni Trinidad sa publiko na maging mas mapagmatiyag at maging mas mapanuri sa mga kumakalat na balita sa social media at internet na ang ilan ay pain lang upang pagwatak-watakin ang bansa.
Aniya, kung sa law enforcement ang tinitingnan ay evidence beyond reasonable doubt sa military naman ang kanilang tinitignan ay ang mga indicators na malinaw na nagtuturo sa China.