Mas lumakas pa ang panawagan ngayon ng mga religious group upang tuluyan nang maipasa ang isang epektibo at totoong Anti-Political Dynasty law.
Sa isinagawang paglulunsad ng website ng anti-political dynasty group na “Dapat Isa Lang” sinabi ni Simbahang Lingkod ng Bayan Executive Director Karlo Abadines na lalo pang sumisidhi ang panawagan ng publiko na maputol na ang deka-dekada nang pamumuno ng iilang pamilya.
Binigyang-diin din ni Abadines ang lumalaki pang suporta sa “Dapat Isa Lang” movement na lalo pang palalakasin ng website nito na D1L.org.
Aniya, napapanahon nang gumawa ng kongkretong aksiyon ang mga mambabatas ukol sa Anti-Political Dynasty Law na lubos din namang sinusuportahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang nasabing anti-political dynasty group ay suportado ng mga faith-based groups, legal institutions at mga grassroots organizations.