Photo courtesy of IBC
Lubos na naiintindihan ni dating Senate President Koko Pimentel ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyong kumukuwestiyon sa napagdesisyunan nang voting threshold ng Senate Impeachment Court sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ani Pimentel, lumalabas kasi na parang konsulta lang ang nasabing mga petisyon at hindi basta-basta maaaring sayangin ang oras ng Korte Suprema.
Kaya naman hindi na rin ikinagulat ng dating senador ang naging tugon ng kataas-taasang hukuman dahil masyadong premature ang mga nasabing petisyon.
Dagdag pa ni Pimentel na wala pa namang sinomang halal na opisyal ang na-convict nang dahil lang sa panibagong voting threshold.