Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Mas pinalalakas pa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga hakbang at programa para sa kapakanan at paglago pa ng kakayahan at kapasidad ng mga guro.
Sa isinagawang National Teachers’ Month 2026 celebration sa Centennial Hall ng Manila Hotel kinilala ng DepEd sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang napakalaking ambag at mga sakripisyo ng mga guro sa bansa.
Kasabay nito ay ang ceremonial activation ng My Teacher Education Commons o MyTEC portal na idinisenyo upang suportahan ang professional growth at career progression ng mga guro.
Iginiit din ni Education Secretary Sonny Angara, na maging ang mga guro na nais makahanap ng bagong oportunidad ay maaaring gamitin ang nasabing portal.
Kasama rin sa functions ng nasabing portal ang streamlining ng mga umiiral ng proseso, mabawasan ang administrative workload ng mga guro, at maisaayos pa ang access sa professional learning at suportahan ang digitalization ng career-stage affirmation ng mga guro.