Umaasa ang Quezon City Health Department sa pakikiisa ng mga magulang sa nalalapit na School-Based Immunization Activity sa mga paaralan mula Oktubre hanggang Disyembre 2026.
Katuwang ng QC Health Department ang Department of Health at Schools Division Office sa pagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Target na mabakunahan ang Grade 1 at Grade 7 para sa Measles-Rubella o MR at Tetanus-Diphtheria o Td; Grade 4 para sa Human Papillomavirus o HPV; at Grade 5 para sa HPV catch-up vaccination.
Isasagawa ang programa sa lahat ng pampublikong paaralan sa National Capital Region, gayundin sa mga pribadong paaralang itinalaga ng mga lokal na pamahalaan para sa Bakuna Eskwela.
Hinihikayat ng QC Health Department ang mga magulang na suportahan ang programa at tiyaking mabibigyan ng kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.