Inatasan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga member agency nito na mahigpit na tutukan ang epekto ng El Niño sa kani-kanilang lugar bago isumite sa NDRRM Operations Center.
Kabilang sa kailangang i-report ayon sa NDRRMC ay ang mga deklarasyon ng State of Calamity ng mga LGUs, pati iba pang epekto, developments at sitwasyong may kaugnayan sa El Niño.
Layunin nito na makatulong sa assessment at documentation ng sitwasyon at sa pagtukoy ng mga kinakailangang intervention at support measures.
Inaasahang magpapatuloy hanggang unang bahagi ng 2027 ang very strong El Niño, batay sa climate models at expert evaluations na binanggit sa pinakahuling pahayag ng DOST-PAGASA.
Dahil dito, inaasahan ang mas mataas na temperatura at below-normal rainfall sa malaking bahagi ng bansa, na maaaring magdulot ng dry spells at drought, gayundin ng panandaliang malalakas na pag-ulan.