OWWA, tiniyak na mabibigyan ng karampatang tulong ang Pilipinong nasawi sa Saudi Arabia
Sa isang mensahe ni OWWA Administrator PY Caunan sa Radyo Pilipinas, aktibong miyembro ang nasawing Pilipino kaya mabibigyan ito ng buong death at burial assistance.
Magkakaroon din ng livelihood assistance ang kanyang pamilya at scholarship ang mga anak ng OFW.
Ayon naman sa OWWA, habang hinihintay ang pormal na kumpirmasyon ng detalye ng pagkasawi ng Pilipino mula sa Saudi authorities at kumpanya, patuloy ang pag-alalay sa pamilya nito.
Matatandaan na kinumpirma ng Department of Migrant Workers na nasawi ang Pilipino mula sa tangkang pag-atake ng Houthi sa Aramco Shaybah Oilfield sa Saudi.
Patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang kalagayan ng mga Pinoy sa naturang bansa.