Nagbabala si Senate Committee on Finance Chairperson Sen. JV Ejercito na posibleng hindi maipasa sa itinakdang panahon ang 2027 national budget kapag pina-recall o pinabalik ng Kamara ang panukalang 2027 budget.
Apela ni Ejercito sa kanyang House counterpart, sa Bicameral Conference Committee na lang nila pag-usapan at pagkasunduin ang kani-kanilang mga bersyon ng budget bill.
Paliwanag ng senador, masikip na ngayon ang schedule ng Senado dahil bukod sa pagtalakay sa budget ay may impeachment trial pa at makakaapekto rin sa schedule nila ang kawalan ng pasok dahil sa ASEAN Summit.
Kaya naman, sa bicam nalang aniya nila dapat ayusin ang budget bill tutal bukas at transparent na rin naman ang prosesong ito ngayon.