CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 80?
Pinagtibay ng Sandiganbayan 5th Division ang nauna nitong desisyon na ibasura ang mosyon ni Uswag Ilonggo Party-list Representative Jojo Ang na i-consolidate ang kanyang 14 na graft cases.
Sa inilabas na resolusyon ng korte, tinukoy nitong bagama’t nagmula sa iisang resolusyon ng Ombudsman ang mga kaso, magkakaiba ang bawat public infrastructure project, kabilang ang kontrata, procurement process, at financial records.
Dahil dito, nararapat lang umanong magkahiwalay na litisin ang mga kaso para mabigyan ng sapat na atensyon ang bawat isa at maiwasan ang pagkaantala sa proceedings.
Nahaharap si Ang sa mga kasong may kauganyan sa umano’y conflict of interest niya sa isang construction firm na nakakuha ng humigit-kumulang ₱214 million na public works contracts habang siya ay nakaupong party-list representative.