Umabot sa ₱3.3 bilyon ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) Bicol para sa mga programa at interbensiyon laban sa epekto ng El Niño sa Bicol Region para sa natitira pang mga buwan ng 2026.
Kabilang dito ang pondo para sa irigasyon, certified seeds, makinaryang pangsaka, crop insurance at iba pang suporta sa mga magsasaka at mangingisda.
Mahigit ₱520 milyon na ang naipamahagi ng DA Bicol mula Hunyo hanggang Setyembre para sa mga naapektuhan ng tagtuyot. Samantala, umabot sa ₱235.8 milyon ang naiulat na pinsala sa agrikultura, na nakaapekto sa 8,009 magsasaka.
Inihahanda rin ang karagdagang fertilizer, solar pumps, solar irrigation, drought-resistant seeds at fuel assistance. Ayon sa DA Bicol, magsusumite rin ito ng ₱344 milyon na rehabilitation plan sa DA Central Office para sa karagdagang pondo.