Nagbigay na ng go signal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa karagdagang pondo para Fuel Subsidy Program ng pamahalaan para sa mga magsasaka, mangingisda, agri truckers at iba pang agri stakeholders.
Sa panayam ng programang Juan Trabaho kay Department of Agriculture Undersecretary for Agro-Marine Industrial Systems, Usec. Arrey Perez kabuuang ₱3 bilyon ang inilaan para sa fuel subsidy program sa agri sector.
Sa pondong ito, paglalaanan ng tig-iisang bilyong piso ang mga magsasaka, mangingisda at agri truckers bilang tulong dahil sa mataas na presyo ng langis.
Ayon kay Perez maaaring magsimula ang rollout ngayong Oktubre o Nobyembre 2026.
Tinatayang 300,000 beneficiaries ang makikinabang sa programa. Paalala pa ng DA na ang pondo para sa fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda at magagamit lamang para sa taong 2026 habang nagkaroon naman ng exemption sa mga agri truckers na ang pondo ay posibleng paabutin hanggang sa taong 2027.