Hinimok ng Bureau of Treasury ang mga kababayan natin na mamuhunan at maglagak ng kanilang investment sa Retail Treasury Bond ng pamahalaan.
Sa pamamagitan lang kasi ng minimum placement fee na ₱5,000.00 ay makakapamuhunan na ang ating mga kababayan na small investors sa Retail Treasury Bond.
Ayon kay Bureau of Treasury Research Service Chief, Director Dominick Mariano ang nasabing bond ay may annual interest rate na 6.875 percent at magma-mature sa loob lang ng dalawa at kalahating taon.
Ang nasabing programa ng pamahalaan ay makatutulong para pondohan ang mga programa ng pamahalaan habang sabay na tinutulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng safe investment options.
Ang nasabing investment offer sa RTB ay sinimulan na nitong September 29 at magtatagal hanggang October 7. Ngunit oras na makamit na ng Bureau of Treasury ang kinakailangang pondo ng RTB ay posibleng mas maaga itong isara.