Photo courtesy of Manila Water
Pinalakas na ng Manila Water Philippine Ventures (MWPV) ang paghahanda nito sa inaasahang “very strong” El Niño na posibleng tumagal hanggang unang bahagi ng 2027.
Ayon sa PAGASA, aabot sa 85 probinsya ang maaaring makaranas ng dry conditions, dry spell at drought mula Oktubre hanggang Marso.
Sa Cebu, kasalukuyang naghahatid ang MWPV ng 30.3 milyong litro ng potable water kada araw at may karagdagang kapasidad na 7.5 milyong litro.
Kabilang sa mga hakbang ang pagmamanman at rehabilitasyon ng water sources, preventive maintenance, at paghahanda ng water tankers, mobile treatment plants at standby deep wells.
Naghahanda rin ang kumpanya ng mga bagong water facilities na inaasahang makapagdaragdag ng hindi bababa sa 12.5 milyong litro ng tubig kada araw para sa Metro Cebu.